Bagong Presidente ng PHILHEALTH, itinalaga na

Pinangalanan na ang panibagong Interim Officer-in-charge, President and Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation.

Ito ay si Dr. Celestina Ma. Jude P. De la Serna matapos makakuha ng unanimous votes mula sa board of directors ng ahensya.

Ang pagtatalaga kay de la Serna ay kasunod sa resignation ni Dr. Hildegardes C. Dineros.

Dati nang nagsilbi si de la Serna bilang hospital chief sa Maribojoc Community Hospital at Cong. Natalio P. Castillo Sr. Memorial Hospital sa Bohol bago ang kanyang appointment sa PhilHealth board bilang kinatawan ng Overseas Filipino Migrant Workers.

Please follow and like us: