Bagong Supreme Court Justice Henri Inting, umaasa na malaki ang kanyang magiging kontribusyon sa Judicial system ng bansa

Dumalo si bagong Supreme Court Associate Justice Henri Jean Paul Inting sa kauna-unahan niyang flag ceremony sa Korte Suprema.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Inting ang mahigit 30 taon niyang karanasan sa pagsisilbi sa bayan bilang piskal, Public Attorney, hukom ng Metropolitan Trial Court at Regional Trial Court at Associate Justice ng Court of Appeals.

Umaasa naman si Inting na malaki ang magiging kontribusyon niya sa hudikatura sa kanyang panunungkulan bilang mahistrado ng Supreme Court.

Handa na rin si Inting na makatrabaho ang mga kapwa niya justices at ang mga opisyal at empleyado ng Korte Supreme sa pagpapanatili ng isang epektibo na Hudikatura.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *