Bahagi ng dating gusali ng Grand Boulevard hotel sa Maynila, nasunog

Nasunog ang bahagi ng ikalawang palapag ng lumang gusali ng Grand Boulevard hotel sa Maynila.

Ang sunog ay nagsimula alas-9:20 ng umaga.

Ayon sa isang trabahador sa gusali, may isang kasamahan silang nagpuputol sa ilang bahagi ng gusali gamit ang acetylene.

Pero tumalsik ang baga hanggang sa tumama sa styrofoam na nagdulot naman ng makapal na usok sa ikalawang palapag ng gusali.

Inabot din ng isang oras ang sunog bago naideklarang fire-out bandang alas 10:27 ng umaga.

Ligtas naman ang lahat ng construction worker na nagtatrabaho sa loob ng gusali.

Ang gusali ng hotel ay under construction, at sinasabing gagawing isang condominium o residential building .

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: