Bahay na nasa rooftop ng isang residential building sa Tundo, nasunog

Pasado alas doce ng tanghali kanina nang sumiklab ang isang sunog sa Nicodemus street sa Tundo, Maynila.

Ang apat na palapag na gusali ay isang residential apartment na pagmamay-ari ng isang Ernesto Medina.

Agad namang naagapan ang sunog at naideklarang fire under control pasado ala una ng hapon, dahil na rin sa pagresponde ng maraming bumbero.

Wala namang napaulat na nasawi sa nasabing sunog, subalit isang fire volunteer ang nasugatan ang mga daliri sa kaliwang kamay, at isang alagang aso ang nawala.

Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection ang nangyaring sunog.

AJ Zamora

Please follow and like us: