Bakanteng posisyon sa Comelec isa na lamang

Isa na lamang ang natitirang bakanteng posisyon sa Commission on Elections.

Ito ay matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Nelson Java Celis bilang bagong Commissioner.

Pinalitan niya ang binakanteng puwesto ni dating Commissioner Aimee Neri na matatandaang na-bypass ng Commission on Appointments.

Magsisilbi siya sa poll body hanggang sa Pebrero ng 2029.

Ayon sa Comelec, si Celis ay isang beterano at eksperto pagdating sa Information Technology.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, umaasa sila na ang mahabang kasanayan ni Celis sa Information Technology ay makatutulong ng malaki sa pagpapabuti ng automated election system sa bansa.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: