Bakasyon ng mga MIAA personnel, kanselado

Kanselado ang leave ng lahat ng personnel ng Manila International Airport Authority (MIAA) MIAA saHoly Week ng mga Katoliko.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ito ay para masolusyunan ang problema sa mahabang pila sa mga immigration counter sa mga airport habang papalapit ang holiday break.

Ang mga MIAA personnel ang mamamahala sa pag-aayos sa pila sa mga counter.

Siniguro rin  ni Monreal na magde-deploy sila ng 120 hanggang sa 150 personnel para sa Mahal na Araw ng mga Katoliko.

Please follow and like us: