Baking and confectionary art supplies sa QC pansamantalang ipinasara

Pansamantalang ipinasara ng Quezon city Business Permits and Licensing Department o BPLD ang isang Baking and Confectionary Art supplies store sa lungsod.

Ito ay matapos na magpositibo sa virus ang isa sa mga empleyado nito.

Ayon sa BPLD, magsasagawa sila ng disinfection at sanitation sa naturang establishment.

Papayagang magbalik operasyon ang naturang baking at confectionary art supplies kapag nakakuha na  ng Sanitation at Disinfection certificate.

Sinabi din ng BLPD na kailangan din na sumailalim ang mga empleado ng nasabing establishments sa Covid-19 tests bago tuluyang pagayagang magbukas ang nabanggit na establisimyento.

Belle Surara

Please follow and like us: