Barangay Captain na kapatid ng tumatakbong alkalde sa Tawi-Tawi, naaresto sa drug buy-bust operation sa Zamboanga City

Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation si Lagasan, Bongao, Tawi-Tawi si Barangay captain Julficar Ladjahali.

Kasamang nahuli ang kababata nito na nakilalang si Nickson Imlani.

Nakuha sa kanila ang isang kalibre. 45 at mga bala nito, ilang bala ng M-16 rifle, pitong piraso na pakete na naglalaman ng shabu, ilang drug paraphernalia, at nabawi rin sa kanilang ang isang piraso ng 500 peso bill na ginamit ng operatiba bilang buy bust money.

Ayon kay Chief Inspector Elmer Solon, si Julficar ay kapatid ni Bongao aspirant for mayor Popeye Ladjahali.

Nasa kustodiya na ng PNP crime laboratory-9 ang nakumpiskang baril at mga bala para masuri kung nagamit ba ito sa mga krimen.

Dinala din sa laboratory ng PNP-Zamboanga ang mga nakumpiskang shabu, habang ang dalawang naaresto ay isinailalim sa medical drug test.

Pansamantalang nakakulong sa Police station-11 sa lungsod ang kapitan at kasama nito habang naghihintay sa mga kasong isasampa laban sa kanila.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *