Barangay Health Emergency Teams sa Pampanga, binakunahan na

Isa sa mga inatasang tumutok sa kalagayan at kaligtasan ng mamamayan ay ang  Barangay Health Emergency Teams o BHERTS.

At para mapanatili ang kaligtasan ng kanilang kalusugan mula sa lumalaganap na COVID-19, sinimulan na ang pagbabakuna saBHERTS na binubuo ng kapitan ng barangay, chief barangay police at mga kasama nito, at ang barangay health workers mula sa Apalit, Macabebe, at Masantol, Pampanga.

Ang wala pang 60-anyos ay binakunahan ng Sinovac na galing China at AstraZeneca mula sa England naman ang ibinakuna sa mga lampas na sa 60-anyos.

Patuloy ang pagbabakuna sa mga nasabing munisipalidad katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

Ulat ni Ana Leah Saluta

Please follow and like us: