Poblacion Barangay Hall sa Kalibo, Aklan, balik-operasyon na

Balik operasyon na sa araw na ito ang Barangay Hall ng Poblacion sa Kalibo, Aklan. 


Ito ay matapos na makarekober na sa COVID- 19 ang tatlo nitong empleyado sa kanilang tanggapan.


Nagpatupad naman ng pagbabago sa naturang tanggapan para mapanatili ang safety and health protocols na umiiral sa bayan ngayon.


Pinalimitahan din ang pagpapapasok sa loob ng mga opisina ng Barangay Hall at pansamantalang sa labas muna ng gusali ginagawa ang mga transaksyon. 


Nagpapatuloy din ang sanitation at disinfection procedure sa loob at labas ng kanilang Barangay hall para matiyak na ligtas sa COVID-19 ang mga empleyado nito maging ang publiko na magtutungo sa nasabing tanggapan.


Lads Ventura

Please follow and like us: