Barugo, Leyte wala nang active case ng COVID-19

Wala nang active COVID-19 cases sa bayan ng Barugo, Leyte ayon sa inilabas na COVID-19 situation update ng local government unit ng Barugo, Leyte ngayong Sabado, Feb. 6, 2021.

Ayon sa lokal na pamahalaan, wala na silang naitala pang bagong mga kaso. Ang kabuuang COVID-19 cases naman nito ay 212 kung saan 211 ang gumaling na at isa (1) naman ang nasawi.

Ngunit sinabi ng mga opisyal sa Barugo, na hindi pa rin dapat maging kampante ang mga mamamayan sapagkat ang banta ng COVID-19 ay nananatili pa rin.

Patuloy nilang ipinapaalala ang laging pagsusuot ng face mask, pag-observe ng physical distancing, palaging paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga unnecessary o di kailangang mass gatherings.

Ulat ni Rose Marie Mtran

Please follow and like us: