Batangas, hindi muna tatanggap ng turista ngayong holiday matapos ang paglindol

Hindi muna tatanggap ng mga turista ang Batangas ngayon dahil sa naganap na magkakasunod na paglindol.

Isa ang bayan ng Tingloy sa dinarayo ng mga turista dahil sa mga magagandang karagatan nito.

Sinabi ni Tingloy Mayor Mark Lawrence Alvarez, ang hindi pagtanggap ng mga turista ay para walang madamay sakaling muling makaramdam ng paglindol.

Aniya ito ay para mabigyan rin ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na maalagaan ang kanilang mga pamilya.

Matatandaang nagkaroon ng malaking pinsala sa maraming bahagi ng Batangas ang naganap na magkasunod na paglindol noong nakaraang linggo.

 

Please follow and like us: