Bawas-presyo sa LPG, epektibo na ngayong araw

Nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga Liquified petroleum gas o LPG ang mga kumpanya ng langis simula ngayong Pebrero 1.

Ayon sa Petron, simula kaninang hatinggabi, tinapyasan nila ng 3.15 piso ang kada litro ng Gasul at Fiesta gas prices.

Binawasan din ng Petron ang kanilang X-tend Auto LPG ng 1.75 kada litro.

Sa anunsyo naman ng Solane at Phoenix Philippines, kaparehong rollback din ang kanilang ipinatupad alas-ocho ng umaga ngayong araw.

Ang rollback ay bunsod umano ng paggalaw ng contract price sa International market ngayong Pebrero.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *