Benepisyo ng mga nasa Prosecution service isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang dagdag na benepisyo ng mga miyembro ng National Prosecution service.

Sa kaniyang Senate Bill number 1865 o Survivorship benefits,  sinabi ni Angara na napapanahon nang kilalanin ang sakrispisyo ng mga prosecutors.

Sa panukalang batas, ibibigay ang lahat ng tinatanggap na Retirement benefits ng isang Prosecutor sa kanyang lehitimong asawa at mga anak o dependents kapag ito ay namatay na.

Ang benepisyo ay maaring taggapin ng kanyang asawa hangga’t hindi ito nakapag-aasawang muli habang ang kaniyang mga anak ay hanggang 21 taong gulang.

Sinabi ni Angara na ito’y bilang pagkilala sa sakripsyo  ng mga Prosecutors at paglalagay sa panganib ng kanilang buhay para lamang sa pagsusulong ng mga kaso at pagkakamit ng hustiya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: