BF.7 Omicron subvariant , nakapasok na rin sa bansa

Nakapasok na rin sa bansa ang BF.7 Omicron subvariant.

Ang BF.7 ay mula sa BA.5 subvariant ng Omicron ang sinasabing nagdulot ng panibagong surge ngayon ng mga kaso sa China.

Sa datos ng Department of Health, sa 133 samples na sinailalim sa genome sequencing nitong December 14 hanggang 15,2022 ay may nakitang isang kaso ng BF.7.

Ang kaso ay natukoy sa National Capital Region.

Maliban rito may iba pang Omicron subvariant na natukoy gaya ng BA.2.3.20 na may 23 kaso, 28 na kaso ng XBB, 45 na XBC, at 24 ma iba pang subvariants.

Ayon sa DOH, ang BA.2.3.20 cases ay binubuo ng local cases mula Regions 1, 2, 3, 7, 11, at NCR.

Ang iba pang XBC cases naman ay galing sa Region 11 habang ang bagong XBB cases ay natukoy sa Region 7, 11, at NCR.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *