BI tiniyak na tinutugunan ang dagsa ng pasahero sa airport

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na may-apat na tauhan silang nakatalaga sa counter sa paliparan.

Tugon ito ni Immigration Commissioner Norman Tansingco matapos dumagsa ang mga byahero sa immigration departure counter sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero sinabi ni Tansingco na hindi maiiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng paglipat ng ilang airlines mula NAIA 1 sa NAIA 3.

Nagdulot aniya ito ng 10-percent increase sa average na bilang ng mga pasaherong umaalis sa NAIA terminal 3 kada araw.

Tiniyak nya na ginagawan nila ng paraan para maiwasan ang mga ganitong insidente.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *