Bigtime Oil Price Rollback, ipinatupad na ngayong araw

Ipinatupad na ng mga kumpaniya ng langis ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Piso at sampung sentimos (₱1.10) ang itinapyas sa presyo ng kada litro ng Diesel, piso at dalawampung sentimos (₱1.20) naman sa kada litro ng Kerosene habang walumpung sentimos (₵0.80) lamang sa kada litro ng Gasolina .

Epektibo ang rollback  ng Shell, Total, Eastern Petroleum, Jetti at Phoenix Petroleum. kaninang  alas-6:00 ng umaga.

Una nang nagpatupad ng kanilang tapyas presyo ang mga kumpanyang Petron, Seaoil at Flying V kaninang hatinggabi.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis ngayong buwan.

Please follow and like us: