Bilang ng active cases ng Covid-19 sa hanay ng health care workers, nasa 569 pa

photo credit: pna.gov.ph

Umabot na sa 10,532 ang kabuuang bilang ng mga Health care workers na tinamaan ng Covid-19.

Pero batay sa datos ng Department of Health (DOH), ang 9,899 rito o 94 percent ay nakarekober na mula sa sakit.

Nasa 569 o 5.4% naman ang bilang ng active cases sa hanay ng mga Health care workers.

Sa bilang na ito, 354 ang mild, 180 ang asymptomatic, 24 ang severe at 11 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nadagdagan naman ang bilang ng mga nasawi sa kanilang hanay na ngayon ay umabot na sa 64.

Mayorya sa bilang ng mga nasawi ay mga doktor, sinundan ng mga nurse .

Madz Moratillo

Please follow and like us: