Bilang ng Covid-19 recovered cases mula sa PNP, higit na sa 24,000

Patuloy na nadaragdagan ang mga gumagaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 17, 2021, nakapagtala sila ng panibagong 134 recovery cases kaya pumalo na sa 24,363 ang kabuuang mga gumaling sa karamdaman.

Gayunman, nakapagtala rin ang PNP ng karagdagang 143 kaso ng Covid-19 kaya umakyat na sa 26,321 ang total cases.

Habang nasa 71 naman ang mga pumanaw.

Please follow and like us: