Bilang ng health care workers na nasawi dahil sa COVID- 19 umabot na sa 70

Umabot na sa 10,936 health care workers ang nagpositibo sa COVID-19.

Pero ayon sa Department of Health, 10,511 na rito ang nakarekober mula sa virus.

Sa datos ng DOH nasa 355 na lamang ang active cases sa hanay ng health care workers.

Sa bilang na ito, 172 ang mild; 148 ang asymptomatic; 24 ang nasa severe condition habang 11 ang nasa kritikal na kundisyon.

Naragdagan naman ang bilang ng mga nasawing health care workers na umabot na ngayon sa 70.

Sa kabila nito, patuloy parin ang panawagan ng DOH sa mga medical practitioner lalo na sa mga doktor na mag -apply sa kanilang emergency hiring program upang mapunuan ang pangangailangan sa mga doktor sa panahong ito ng pandemya.

Sa datos ng DOH nasa 9,744 pa lamang sa 11,952 approved slots sa ilalim ng nasabing programa ang napupunuan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: