Bilang ng Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, mahigit na sa 13,200

Umabot na sa 13,262 ang bilang Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Pero batay sa datos ng Department of Health (DOH), 12,939 rito ay nakarekober na mula sa sakit.

Sa ngayon ay nasa 247 ang bilang ng aktibong kaso sa hanay ng mga Health care workers.

Sa bilang na ito, 135 ang mild cases; 83 ay asymptomatic; 16 ay nasa severe condition; 11 ang nasa kritikal na kundisyon; at 2 ang nasa moderate na kundisyon.

Mayorya sa tinamaan ng sakit ay sa hanay ng mga nurse na nasa mahigit 4,600, sinundan ng mga doktor, nursing assistant, medical techonologists, admin staff at iba pa.

Nanatili namang na sa 76 ang bilang ng mga Healthcare workers na nasawi dahil sa virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: