Bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw, naitala sa 23,134

Umabot na sa 184,088 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 23,134 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 27,024 ang naitalang bagong gumaling.

May 255 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 36,583 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,347,550 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,126,879 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: