Bilang ng mga Covid-19 recoveries sa Laguna, mahigit na sa 9,000

Umaabot na sa mahigit 9,000 ang bilang ng mga Covid-19 patients sa Laguna na gumaling mula sa sakit.

Batay sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office, mula sa mahigit 11,900 na kumpirmadong kaso ng Covid sa lalawigan, nakarekober na ang 9,010 sa mga ito habang pumanaw ang 221.

Dahil dito, kabuuang 2,700 na lamang ang aktibong kaso  ng Covid- 19 sa Laguna.

Mayroon namang mahigit 5,800 na suspect cases sa probinsya.

Ang Calamba City ang may pinakamaraming naitalang Covid cases na 2,871.

Moira Encina

Please follow and like us: