Bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID- 19, patuloy paring tumataas

Umabot na sa 11,822 ang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID-19.

Pero ang magandang balita, ayon sa Department of Health, nasa 11,526 sa kanila ay nakarekober na mula sa sakit.

Habang nasa 224 na lamang ang bilang ng aktibong kaso.

Sa bilang na ito ay 103 ang mild cases, 86 ay asymptomatic, 21 ang severe, 11 ang kritikal habang may 3 nasa moderate condition.

Hindi narin naragdagan ang bilang ng mga nasawing health care workers na nasa 72.

Madz Moratillo

Please follow and like us: