Bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID- 19,umabot na sa mahigit 11,000

photo credit: pna.gov.ph

Umabot na sa 11, 297 ang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID- 19.

Pero batay sa datos ng Department of Health ay nasa 10,958 na rito ang nakarekober.

Sa ngayon ay nasa 268 na lamang ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID- 19 infections sa hanay ng mga health care workers.

Sa bilang na ito 129 ang mild, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang kritikal.

Umabot naman na sa 71 ang bilang ng mga health care workers na nasawi dahil sa virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: