Bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa Covid-19 testing sa bansa, mahigit na sa 4 na milyon

Umabot na sa 4,012,853 indibidwal na ang naisailalim sa COVID-19 testing sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sa bilang na ito ay 10 porsyento lamang ang nagpositibo sa virus.

Sa pinakahuling report ng DOH, umabot na sa 348,698 ang bilang ng mga nagpositibo sa bansa.

Pero ayon sa DOH ang bilang na ito, 0.32% lamang ng populasyon ng Pilipinas, 0.84.4% naman ng mga nagpositibo ay nakarekober na mula sa sakit.

Habang 13.8% o 48, 040 lamang ang active cases.Sa kabuuan naman nasa 6 497 na ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: