Bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID-19 testing sa bansa, umabot na sa mahigit 4.2 million

Umabot na sa 4, 215 ,597 ang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID-19 testing sa bansa.

Batay sa report ng DOH, sa nasabing bilang ay 9.8% lamang ang nagpositibo sa virus o katumbas ng 363,888.

Pero ayon sa DOH ang nasabing bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay . 33% lamang ng populasyon ng bansa.

Sa bilang na ito ay 44, 772 na lamang ang aktibong kaso.

Umabot naman sa 6 ,783 ang bilang ng nasawi dahil sa virus 1. 9% lamang ng kabuuang bilang ng mga nagpositibo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: