Bilang ng mga naitalang aktibong kaso ng COVID-19, umabot sa mahigit 13,000


Umabot na sa 112,008 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 13,273 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 45,249 ang naitalang bagong gumaling.

May 112 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 38,768 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Sa ngayon ay 2,593,399 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,442,623 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Please follow and like us: