Bilang ng mga natagpuang patay sa killer landslide sa Itogon, Benguet, umakyat na sa 85

 

Umakyat na sa 85 ang bilang ng natagpuang patay sa Itogon, Benguet habang 16 pa ang pinaghahanap sa malaking landlide sa Sitio First Gate, Ucab, Itogon.

 Ayon kay Police Supt. Mark Pespes, ground commander ng nagpapatuloy na retrieval operation sa ground zero, dalawang bangkay lamang ang na-recover kahapon sa tulong ng tatlong backhoe na nag-ooperate sa lugar.

Dahil dito, pumalo na rin sa 110 ang kabuuang bilang ng naitalang namatay sa Cordillera batay sa tala ng Department of Interior and Local goverment habang nagpapatuloy pa ang retrieval operation sa mga nawawala.

Umaasa pa rin ang mga otoridad na agad matagpuan ang mga nawawalang iba pang biktima.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *