Binangonan, Rizal Hall of Justice isasara sa August 28 para sa disinfection


Sarado ang Binangonan, Rizal Hall of Justice sa Biyernes, August 28 para sa isasagawang disinfection.

Sa memorandum ni Executive Judge Dennis Patrick Hernandez, sinabi na may mga ulat na may  mga tauhan ang Public Attorney’s Office na naka-istasyon sa Hall of Justice ang nagkaroon ng contact sa Covid-19 positive patients at kasalukuyang naka-quarantine.

Bilang precautionary at preventive measure laban sa pagkalat ng virus ay magsasagawa ng disinfection sa Hall of Justice sa Biyernes.

Tuloy naman ang mga pagdinig thru videoconferencings at pagtanggap ng pleadings ng mga korte sa pamamagitan ng email.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: