Birthday wish ni Sen. Lacson sa Pangulo: “maging statesman”

Umaapela si Senador Panfilo Lacson kay pangulong duterte na maging statesman.

Ayon kay Lacson, ngayong kaarawan ng Pangulo, dapat gawin nito ang kaniyang pangako noong kampanya na babaguhin ang kaniyang mga nakaugalian.

Kasama na aniya rito ang pagiging palamura ng Pangulo.

Sinabi ni Lacson na may natitira pa namang mahigit limang taon sa pwesto ang Pangulo at umaasa siyang magbabago pa rin ang mga nakaugalian nito.

Kasama aniya sa mga dapat baguhin ng Pangulo ang paraan ng pakikitungo nito sa Media, sa mga Senador, Kongresista at mga Local Government Officials.

 “Yung kanyang pakikitungo sa media, sa mga senador, sa mga kongresista, sa mga local government units and the public in general. Maraming dapat baguhin, You say that my mouth is not for a statesman, whoever told you I was applying for a statesman? – Sen. Lacson

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: