Blast site at mga biktima, dadalawin ni Pangulong Duterte sa Jolo, Sulu

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte  sa Jolo, Sulu ngayong araw. Inaasahang personal na iinspeksiyunin ng Pangulo ang blast Site sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Barangay Walled City Jolo Sulu.

Una dito’y kinundena ng Malakanyang ang nangyaring pagpapasabog kasabay ng pagtiyak na papananagutin nito ang mga nasa likod ng pag-atake.

Sa ngayon ay todo higpit na ang seguridad sa area habang ipinaiiral ang  pro-active security measures sa layuning mapigilan ang posibleng pagtatangka pang mga pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy din ang koordinasyon sa pagitan ng PNP at AFP sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon upang matumbok ang mga may kagagawan ng nangyaring twin explosion.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *