Blood donation, may malaking maitutulong upang lumakas ang Immune system – ayon sa eksperto

 

May benepisyong pangkalusugan ang regular na pagdo-donate ng dugo.

Ito ang pahayag  ng isang eksperto mula sa Blood service ng Philippine Red Cross o PRC.

Sabi ng eksperto, malalabanan ng isang  taong regular na nagdo-donate ng dugo ang iba’t-ibang uri ng karamdaman tulad ng  trangkaso.

Ito ay dahil napapalitan umano ng bago ang luma at matagal ng dugo ng isang indibidwal.

Sa pagdo-donate ng dugo, lumalakas umano ang isang tao  at  nagpapabata ng  pakiramdam ang mga regular blood donor.

Samantala, ayon sa PRC,  tumataas ang bilang ng mga kababayan nating nangangailangan ng dugo para sa kani-kanilang maysakit na pamilya.

Batay sa tala ng PRC,  50 hanggang 60 bags araw-araw ang naipagkakaloob na dugo sa mga taong  lumalapit sa kanila.

Tandaan natin na sa pagdodonate ng dugo….nakapagliligtas tayo ng buhay.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us: