Blood donation program, isinagawa sa Bustos, Bulacan

Bagama’t nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions, ay muling nagsagawa ng blood donation program ang Bustos, Bulacan na ginanap sa Brgy. San Pedro.

Pinangunahan ito ng Phil. Red Cross-Bulacan Chapter, at ng barangay health workers ng San Pedro.

Maaga pa ay nagtungo na sa lugar ang mga nais na mag-donate ng kanilang dugo, kung saan kita sa kanila ang kahandaan na makatulong.

Tiniyak naman ng mga nangasiwa sa aktibidad, na masusing dumaan sa pagsusuri ang mga donor bago sila kinunan ng dugo.

Ayon kay kagawad Jeff Arcega, chairman ng Committee on Health, sa kabuuan ng nasabing aktibidad ay umabot sa 41 kwalipikadong indibidwal ang nakapag-donate ng dugo.

Ulat ni Nori Fidel

Please follow and like us: