Boracay Island, tinanghal na Top Island sa Asya

Muling kinilala ang Pilipinas sa Condé Nast Traveler (CNT) 2022 Readers’ Choice Awards.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), pinarangalan sa nasabing international award ang Isla ng Boracay bilang Top Island in Asia.

Bukod sa Boracay, nasa ikawalong puwesto naman ang Palawan sa Top Ten Islands.

Ginawaran din ang Pilipinas bilang isa sa Top Countries in the World na nasa 30th place.

Kumpiyansa naman si Tourism Secretary Christina Frasco na dahil sa pagkilala sa Pilipinas ay mas makakakuha ng international interest ang mga flagship destination sa bansa.

Pinagtitibay din aniya ng nasabing gawad ang kahandaan ng Pilipinas para maging premier tourist destination sa Asya.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.