Total Covid-19 cases sa bansa, umabot na sa 205,581

Pumalo na sa 205, 581 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos maragdag ang panibagong 3,249 kumpirmadong kaso.

Ayon sa DOH, batay ito sa 98 kabuuang testing mula sa 110 kasalukyyang operational laboratories.

Gayunman, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng panibagong 566 na mga gumaling sa sakit.

Dahil dito, umaabot na sa 133,990 ang recovery cases sa bansa.

Nananatiling may pinakamataas na kaso sa dalawang magkakasunod na linggo ay ang National Capital Region (NCR) na naitala sa 1,180 o katumbas ng 45% ng kabuuang kaso sa bansa.

Sumunod ang Region 4A na may 515 na kaso o 20% sa kabuuan.

Habang nasa 253 cases naman ng mga kaso ay nagmula sa mga Repatriates.

Madz Moratillo

Please follow and like us: