Breaking news: Sim registration, pinalawig ng 90 days

Inanunsyo ng gobyerno ang 90-day extension sa SIM registration.

Sa harap ito ng nakatakdang deadline bukas, April 26 ng mandatory SIM registration na isinasaad ng batas.

Sa media reports, inanunsyo ni Justice Secretary Crispin Remulla ang SIM registration extension kasunod na rin ng pagla-lobby ng mga telecommunications companies (TelCos).

Ginawa ni Remulla ang anunsyo sa isinasagawang inter-agency meeting tungkol sa Oriental Mindoro oil spill.

Inaasahan din ang anunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isang briefing sa Malacañang mamayang hapon kasunod ng gagawing pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos.

(developing story)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *