Breast Feeding Awareness Month Celebration

Inilunsad sa Adela Serra Ty Memorial Medical center sa Tandag City lalawigan ng Surigao del Sur ang Breast Feeding Awareness Month na may temang ikampanya partikular na sa mga bagong panganak na mga ina ang ukol sa “Pagtataguyod sa pagpapasuso,nakasalalay buhay ng anak mo.”

Ang nasabing aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga ina kasama ang kanilang mga bagong panganak.

Tinalakay sa pagtitipon na ito ang mga kapamaraanan na mahalagang malaman at magawa ng mga ina para makapanatili ang malusog na pangangatawan ng kanilang mga sanggol, partikular na ang kahalagahan ng pagpapasuso.

Pinangasiwaan ng Health Education Promotion Officer (HEPO) sa pangunguna ni RN Susan L. Sablaon ang nasabing pagtalakay.

(Agila Probinsya Correspondent Suny Liste)

Please follow and like us: