Broker na si Mark Taguba, maaaring bawian ng immunity ng Kamara

Pwedeng bawiin ng Kamara ang legislative immunity na ibinigay sa Customs broker na si Mark Taguba.

Ayon kay PBA Rep.  Jerico Nograles, ito ay dahil sa paiba- ibang testimonya ni Taguba sa Senado at Kamara sa gitna ng imbestigasyon sa 6.4 billion shabu shipment.

Ayon kay Nograles, malaki ang mga pagkakaiba ng sinabi ni Taguba sa dalawang kapulungan kaya hindi nya matatanggap ang testimonya nito.

Sa Kamara, binigyan ng pagkakataon si Taguba na sabihin ang lahat ng nalalaman nito sa executive session.

Pero sinabi ni Nograles na may mga sinabi ito sa executive session tungkol sa Davao group na salungat sa mga inihayag sa Senado.

Hindi lamang ito maidetalye ng Kongresista dahil bawal isapubliko ang mga pinag-uusapan sa executive session.

Ngunit nagsususpetsa ang mambabatas na hindi nagsasabi ng buong katotohanan ang broker dahil posibleng may pinagtatakpan ito.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *