BSP at AMLA dapat gamitin ng AFP para matukoy ang financier ng Maute

Hinihimok ng mga Senador ang Armed Forces of the Philippines na makipag ugnayan na sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti Money Laundering Council para matukoy ang mga grupong nagbibigay ng pondo sa Maute group.

Itoy matapos na madiskubre ng mga sundalo ang halos 60 milyong pisong halaga ng cash at tseke sa isang bahay sa Marawi City sa isinasagawang clearing operations ng AFP.

Ayon kay Senador Francis Escudero, Chairman ng Committee on Banks, dapat agad na trace ang financier ng mga terorista para maputol na ang kanilang suplay.

Sabi rin ni Senador Panfilo Lacson hindi umano dapat na hayaan ng militar na makalusot ang sinumang maaring tumutulong sa Maute.

Kailangan aniya ngayon ang mabilisang background check sa mga pangalan ng mga tseke at iba pang pera na narekober ng militar.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *