BSP nilinaw na walang bagong P150 na denominasyon at disenyo

Walang bagong labas na P150 na pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang nilinaw ng central bank kasunod ng pagkalat sa social media ng mga larawan ng nasabing salaping papel kung saan tampok si Dr. Jose Rizal.

Courtesy: BSP

Ayon sa BSP, peke ang nasabing P150 denomination banknote.

Kaugnay nito, pinayuhan ng central bank ang publiko na laging suriin ang mga impormasyon na makikita at mababasa sa social media ukol sa mga pera at barya ng bansa.

Para maberipika ang mga nabanggit na impormasyon ay pumunta sa Notes and Coins section ng official website ng BSP na www.bsp.gov.ph.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *