Bubuksang line segment sa Calax sa Laguna, ininspeksiyon ng TRB

Ininspeksyon na ng Toll Regulatory Board o TRB ang mga bubuksang line segment sa ginagawang Calax sa Laguna.

Partikular na ininspekyon ng mga opisyal ay ang Mamplasan, Biñan hanggang Santa Rosa-Tagaytay Road.

Ipinakita naman ng MPCALA ang Automatic License Plate Recognition (ALPR) system at RFID lanes, na makatutulong sa mas magaan na pagbiyahe ng mga motorista.

Ipinakita rin ang mga itinayong plaza structures para sa Silang East Interchange ng Subsection 5, na magbubukas sa ikatlong quarter ng taon.

Jet Hilario

Please follow and like us: