Bucor Chief Gerald Bantag nagpositibo sa Covid- 19

Kinumpirma ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na nagpositibo siya sa Covid-19.

Bukod kay Bantag, nagpositibo rin sa Covid-19 si BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag.

Ayon sa BuCor PIO, sumailalim si Bantag sa swab test  matapos magpositibo sa virus ang dalawa niyang close-in staff.

Naka-quarantine na ang parehong opisyal na mayroong sintomas ng sakit.

Una nang inihayag ni Chaclag noong weekend na nagpositibo siya sa virus para maabisuhan ang lahat ng tauhan ng BuCor, stakeholders at media na nagkaroon ng contact sa kanya noong nakaraang linggo na magpa-swab test.

Moira Encina

Please follow and like us: