BuCor: Convicted drug dealer na si Yu Yuk Lai, pumanaw na matapos na nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na pumanaw na ang convicted drug personality na si Yu Yuk Lai dahil sa komplikasyon dala ng COVID-19.

Sinabi ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na namatay si Yu sa ganap na 9:47 ng umaga ng Martes sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa opisyal, namatay ang inmate dahil sa “acute myocardial infarction” o atake sa puso.

Nagpositibo rin aniya sa COVID-19 ang tinaguriang drug queen kung saan naging kritikal ang kondisyon nito.

Isang linggo aniya na-confine sa ospital si Yu o mula May 4 hanggang 11 matapos na nahawahan ng virus.

Si Yu ay nakulong sa Correctional Institution for Women matapos na sentensyahan ng korte sa Maynila noong September 2001 ng parusang reclusion perpetua o 20 taon hanggang 40 taon na pagkakakulong dahil sa drug trafficking.

Moira Encina

Please follow and like us: