BuCor Director General Benjamin delos Santos, nag-resign

Sa harap ng ulat na muling nabuhay ang kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid pPisons, nagbitiw sa kanyang pwesto si Bureau of Corrections Director General Benjamin delos Santos.

Sa kanyang resignation letter kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may petsang July 13, sinabi ni delos Santos na ang kautusan ni Aguirre sa NBIn a imbestigahan ang pagbabalik ng illegal drug trade sa bilibid ay senyales para siya ay bumaba sa pwesto at magbalik sa pagiging retirado.

Nagpasalamat naman si delos Santos sa Pangulo sa ibinigay nitong pagkakataon sa kanya para mapagsilbihan ang bansa.

Si delos Santos ay walong buwan pa lang sa pwesto matapos na italaga ng Pangulo noong nakaraang Nobyembre.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *