Budget ng DOST, Pinadaragdagan ng mga Senador

Nais ng mga senador na itaas ang panukalang budget ng Department Science and Technology’ sa susunod na taon para sa research and development.

Sa pagdinig ng senado sa panukalang budget ng dost, Iginiit ni Senador Joel Villanueva na mahalaga ang innovation ng dost lalo ngayong nakakaranas ng pandemya.

Umaabot aniya sa 2.41 billion pesos ang panukalang pondo ng dost sa susunod na taon na mas mababa ng 76.24 million pesos kumpara sa 2.48 billion pesos na pondo ngayong taon

Ilan sa mga ahensyang nakaltasan ng budget ang Forest Products Research and Development Institute,Metals Industry and Development Institute,Philippine Nuclear Research Institute, at ang Philippine Textile Research Institute.

Meanne Corvera

Please follow and like us: