Buhay na pusa, nakita sa loob ng claw machine

Nagulat ang isang lalaking customer sa Dubai business matapos makita ang buhay na pusa na nasa loob ng claw machine kasama ang mga stuffed toys.

Nakuha pa niyang kunan ng video ang isang hindi pangkaraniwang pangyayari dahil sa kaniyang pagkagulat na nakitang natutulog ang pusa kasama ng mga laruan.

Naghulog ng pera ang lalaki sa claw machine at sinubukang kunin ang pusa gamit ang claw pero nagising ito, nagpagpag ng katawan at muling natulog.

Ilang ulit pang tinangka ng lalaki na kunin ang pusa ngunit hindi nito pinapansin ang claw at patuloy lang sa pagtulog.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *