Bulgarian national na nasangkot sa ATM skimming, patay sa pamamaril sa Quezon City

Bumulagta na lamang sa kalsada ang isang Bulgarian national habang sakay sa kanyang motorsiklo sa kanto ng Kalayaan Avenue at Kamias Road Brgy. Pinyahan Quezon City matapos na ito’y pagbabarilin ng riding in tandem.

Kinilala ang biktima na si Orlen Stoev 38 years old  na nasangkot nitong nakaraang buwan sa isang ATM skimming sa Quezon City.

Matatandaang naaresto na si stoev noong nakaraang buwan dahil sa pag-cloned ng limangput limang ATM cards at narekober sa kanya ang higit fifty thousand pesos na cash.

Ayon sa isang saksi sa insidente na si Benny Lizo isang dilaw na motorsiklo na walang plaka, na may sakay na dalawang lalake ang dumaan sa biktima habang binabaybay nito ang kanto ng Kalayaan Avenue at Kamias Road.

Maya maya pa ay nakarinig na siya ng dalawa hanggang apat na putok ng baril dito na bumulagta ang biktima sa harapan ng isang fastfood chain sa lugar.

Narekober sa biktima ang isang alien certificate o tourist ID gayundin ang iba pang  kagamitan nito.

Narekober naman  sa crime scene ang apat na basyo ng calibre kwarenta’y singkong baril.

Samantala, kasalukuyan ng iniimbestigahan ang motibo sa pagpatay sa Bulgarian national.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *