Bureau of Immigration dumepensa matapos makuwestyon kung paano nakalusot ang magkapatid na Dargani sa kanila

Tiniyak ng Bureau of Immigration na ginagawa nila ang kanilang trabaho at nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan kung kailangan.

Ang pahayag ay sagot ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval matapos kuwestyunin ni Senador Risa Hontiveros kung paano nakalusot ang magkapatid na sina Mohit at Twinkle Dargani sa BI gayong kasama sila sa lookout bulletin.

Ang magkapatid na Dargani ay matatandaang inaresto ng mga tauhan ng Senate Sergeant-at- Arms sa Davao International Airport.

Giit ni Sandoval nang dumaan sa kanila ang magkapatid na Dargani ay agad silang nakipag-coordinate sa Department of Justice.

Dumaan aniya ang mga ito sa standard operating procedures at in close coordination rin sila sa Senado.

Madz Moratillo

Please follow and like us: