Byahe ng MRT, pumalpak na naman

 

Dalawang beses na nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) sa kasagsagan ng rush hour ngayong umaga.

Unang naganap ang aberya alas 6:17 ng umaga sa Southbound ng Shaw Boulevard Station.

Pinababa ang mga pasahero ng isang tren matapos itong makaranas ng technical problem.

Agad nasundan ang naturang aberya, matapos na magpababa muli ng mga pasahero sa bahagi ng Santolan Anapolis Station Northbound.

Naganap ang ikalawang aberya alas 7:12 naman ng umaga kung saan marami sa mga pasahero ang papasok sa kanilang mga trabaho.

Technical problem din ang sinabing dahilan ng MRT sa ikalawang naranasang aberya sa biyahe.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.